"Panahon na para i-pack up yang Armida Siguion-Reyna mo. Ilabas mo na dyan si Sam Pinto. Anak ako na bahala sa red bikini mo."
Sabi ni nanay.
In my dreams.
Summer na, bikini open at beauty pageant season na naman daw. Ikaw sino'ng bet mo?
Actually hindi ko pa nasisipat kung sino sa mga bagong kandidata ng Bb. Pilipinas ang magiging rightful at super-dooper pressured heir sa trono nila ate Venus at sister Shamcey. Gusto ko lang ibahagi sa universe na isa akong frustrated beauty queen.
One more thing, since hanggang December 21 na lang naman ang mundo, I might as well come clean. Hindi po talaga ako naging beauty queen. Never was and never will be. Frustrated lang nga eh! Sus!
I think of three reasons why I can't fulfill this dream.
Una, hindi ako pasok sa height requirement. I stopped growing kasi when I was 14. I took a medicine for UTI. Turns out, this drug isn't recommended for pubescent kids because it calcifies bones. When that happens, your growth's stunted. Lesson? Huwag mag-hooray everyday nang hindi nagkaka-UTI.
Pangalawa, anorexic kasi ako nung kabataan ko. Sinong pageant organizer ba naman ang papayag na maging ambassador of goodwill ang isang malnourished na nilalang na tulad ko? Tsaka haller! Paano ako magiging epitome of beauty kung mukha akong bungo di ba?
Lastly, I had confidence issues. I was dead scared just at the thought of speaking in front of an audience. Kaliwete kasi ako. When you're a lefty you're more prone to stammering daw. Kaya ayun hanggang ngayon, I still stutter.
Nung nakakita naman ako ng pageant na tumatanggap ng pandak, anorexic at kaliwete, biglang naging problema naman ang pagiging vegetarian ko. Hay ang pechay talaga! Hindi niya ako pinayagan sumali kasi sa kanya lang daw ako. Haba ng hair ko di ba?
The year after, when I was already single, the organizers asked me again to join the contest. Noong nasa orientation na ako ng candidates, dun ko naman nalaman ang pinakamasaklap na impormasyon. I was already over the age limit. Hindi pa ako nakakarampa sa stage, disqualified agad. The F di ba?
After that, inisip ko na lang na hindi talaga para sa akin ang pagrampa sa stage, sa Quezon Memorial Circle at Recto lang daw puwede. Di ko naman trip yung lugar, so dirty kaya.#alta
Kaya heto ako ngayon, nagmumukmok na naman. Wala na yata kasing chance to fulfill that coveted dream. Pero ayos lang. Life goes on. Marami pang ibang dreams na puwedeng i-fulfill. Puwede pa din naman akong maging ambassador of beauty kahit walang korona di ba?
pagagawan kita ng korona. made of molten tingga and tadtad ng rubies (pero puwet ng baso talaga).
ReplyDeletecharts lang kuya badj. you are beautiful no matter what they say. ayan.
ang sarap naman pakinggang ng sinabi mo baste=)salamat..ikaw din maganda ka!=)
Deleteikaw na ang may tsunami walk! lolz
ReplyDeletemore of like a baha-sa-tayuman walk..lols
Deletethis whole piece is a laughtrip except for a single, irritating, effin word. LOL #NR
ReplyDeletei like the fact that you have an explanation for every ailment or flaw that u possess.
embrace your flaws ang peg.ganyan. parang yung iba jan pag #alta, embrace ang pagiging alta.ganyan.lols!
Deletehugs! frustration mo pala maging beauty queen. di bale, as long as you feel, act and think like one, I'm sure you're a beauty queen in your own right :)
ReplyDeletetumpak yan my friend zai!=)
Deleteganyan dapat talaga ang outlook in life=)
hehehe pati ba naman sa blogger may hashtag-alta? nyahaha ayun! dapat kang maging advocate ng "hooray everyday" JOKE LANG! Okies lang yan, sa tabing dagat na lang, samahan pa kita ☺
ReplyDeletenatutuwa kasi ako sa hashtag..lols!
Deleteay bet ko yan! HHWWSB..alam mo yan?hihihi
is that an F? fact ba talaga na prone sa stuttering ang lefties? i do stutter din kasi haha.
ReplyDeletewhat matters is the beauty within. wala ka mang korona may halo ka naman. =]
thanks for visiting may blogelya din pala. =]
mejo fact yan, lefties daw are more prone to dyslexia. one of the symptoms of this disorder is stammering.=)
Deleteay bet ko yan, ako si beyonce..haha
np!=)
ALIWWWWWW!
ReplyDeleteBALIWWWWW kase ang author..lols
DeleteMay karibal na si miss chuniverse lol!
ReplyDeletehindi naman, successor lang..char!ahahah.baka magalit si madam chuni nyan..haha
DeleteHehe kaaliw ang beauty queen/contest post talaga! Siguro nga prone ang kaliwete sa stammering,pero nalabanan ko naman siya :)Kung pinayagan ka pala ng pechay na sumali noon malamang first runner-up lang ako at iyo ang korona!hehe ;)
ReplyDeleteHoyst Asiong! That's not true, kahit sumali ako, iyo pa din ang korona..lols. sapat na sa akin ang miss congeniality..hahaha
Delete