Tuesday, March 6, 2012

Sangapulo Ken Maysa

Nung tibo pa ako, I remember playing with friends a game called Onse. Variation ito ng basketball, kadalasan namin itong warm up bago maglaro nung hardcore fullcourt bball. Nilalaro din namin ito minsan habang naghihintay makumpleto ang line-up. We just needed to score eleven points on select places along the shaded lane.1 goal=1 point. Ang larong onse ay may sub-variation din. Kapag shooter ang mga kalaban ko, para mapatagal ang laro, ginagawa naming Bente Uno yung winning score. Kapag may pagkamalas naman kami sa pag-shoot or sadyang tanga lang kami talaga, nagiging Syete yung game.

Bakit ko kinukuwento ito? Kasi na-tag na ako. Yey! Salamat LJ! mwah mwah chup chup!

11 Things About Me

1. Ipinanganak at nagkamalay sa bayan ng mga matatapang. Tondo.
2. Never met any blogger except Kokoi.
3. Had 3 GFs, 3 BFs
4. 4 letters ang apelyido ko, 1 lang ang consonant dun.
5. Nurse ng ospital na pinag-anakan sa akin ang nagbigay ng second name ko. Green Water daw ang meaning nito.
6. Naging studio contestant ako ng Who Wants To Be A Millionare nung si papa Boyet pa ang host. Gaspang ng kamay niya. Lalaking lalaki!
7. Naniniwala ako sa multo. Nakakita na kasi ako.
8. I don't wear wristwatches.
9. Despite a 350/350 eyesight, I don't own any spectacles. Contact lenses lang, yung colorless!
10. Hindi ako mahilig manood ng sine. Last movie na napanood ko sa sinehan ay Kimmy Dora, before that, Feng Shui.
11. Insecure ako sa height kong 5'11, okay 5'9...5'6 3/4... 5'6 1/2... 5'6! Grrrr..


Answers to LJ's Questions


Describe yourself using a Science concept.

I believe in the concept of Genetics. Dahil maganda ang nanay ko, maganda din ako. Mana mana lang yan.

How did you handle your last break up?

Nablanko ako. Although I kinda saw it coming already. I just agreed to it kahit walang tanong sa ex kung bakit.

What was the Last video you watched on YOUTUBE?

That episode of The David Letterman Show where Taylor Kitsch was interviewed about his airport experience.

What was your favorite subject in school?

English. Mahirap kasi yung subject. For real.

Anong panget sa maganda at maganda sa panget?

Simple. Privacy. Wala ka niyan pag maganda ka. Sobra sobra naman pag panget ka.

How will you describe your blog to someone who doesn’t have any idea about blogging?

Ang blog ko ay parang isang online diary. I get to write my past experiences, present situation, and future plans.

What are your career goals and what are you doing to achieve them?

I'd like to be a housewife. That's my goal. Maghahanap ako ng isang mayamang DOM para ma-achieve ko ito. Char! Honestly, I don't have a career goal. I just go with the flow and do my job.

Complete the sentence. If I will win 300M pesos on the lottery, the first thing I will do after I claim the money is...

Deposit it in a bank. Sa BDO SM San Lazaro Branch

What is the last topic on Wikipedia that you’ve read?

Hala. Di ko na maalala.

Favorite Walt Disney Character? Why?

Si Rapunzel. Haba kasi ng hair niya. Tumulo kasi ang 0.5mL na luha ko dun sa movie niya na Tangled.

LSS of the moment.

Ngiti, ni Ronnie Liang=)


11 QUESTIONS FOR MY TAGGED FRIENDS


Please enumerate the 204 sovereign states in the world and their capital cities. Joke lang, ang tanong eh How are you?

Are you still a virgin?

Do you believe in reincarnation?

What is the essence of being gay?

If you could become an animal for 1 day, What animal would you be? Why?

Where is the most beautiful place in the Philippines?

How many friends do you have in facebook?

Which would you rather have, beauty or brains? Explain.

Fight or flight? Bawal ang It depends.

Kung kasali ka sa Survivor Philippines, ano yung 2 essential things na dadalhin mo?

Aside from English and Filipino, do you speak any other languages? Please enumerate if there are any.


Tagged friends:

Kokoi: Sana magpost ka na ulit. Miss ko na si Ayumi
Nevae: Makahanap ka sana ng itatag mo. Hihi
Ternie:Sana makita ko ang response mo.ASAP=)

21 comments:

  1. at may pangbungad talaga na : "Nung tibo pa ako" nyahahaha

    mas juicy ata ang question and answer portion ☺

    ReplyDelete
    Replies
    1. karamihan nag-uumpisa sa pagiging tibo a...

      Delete
  2. hahaha.... dapat ba tibo agad, hindi ba pwede biologically male muna.

    Salamaat sa pagsagot joe, si Brian kasi busy sa mga biceps niya kaya ayaw pang magsagot we, pagiisipan ko muna ang 11 random things about me.

    ReplyDelete
  3. Okay.. Eto Sige gagawa na ako ng blog about this tag.. Hahaha.. Anung meron sa tag ng Blogger na wala sa FB at Rtweet ng Twitter? LOL

    ReplyDelete
  4. nag-umpisa ata ang lahat sa pagiging tibo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung iba nag-uumpisa bilang uod..to butterfly, o di ba?hehe

      Delete
  5. Green water pala ha. Parang may algae lang? LOL

    ReplyDelete
  6. Guess lang, Sir.

    green water + 4 letter surname with only 1 consonant =

    parang Algae Cruz???


    Haniwey,Ung Tiborsya issue, almost every beki used to be in that situation before coming out naman, devah???

    ReplyDelete
    Replies
    1. nope, guess again!=)hihi

      uu yata!haha

      Delete
  7. i was thinking of an ilocano post because of your title. saka, sensya ka na at nag-isip ako sa no.4 ng possible and I got one bet. cge, aura na ko.. :P

    ReplyDelete
  8. what's your bet?hehe..wait, you mean "aura" ang last name ko?hihi..

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup, un nga ang iniisip ko.. hahah tama ba? un ang last name mo?

      Delete
  9. natuwa naman ako dun una mong sagot. "Dahil maganda ang nanay ko, maganda din ako. Mana mana lang yan."

    Pang-pageant ang mga tanong ah. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo,mahilig ako sa pageants weh..hehehe

      Delete
  10. Nakakatuwa naman ang mga last entries so I started reading the older ones. I can't help but answer some of the questions but will not post them. Feeling ko, may premyo for the best answers, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat bossing! ay dapat i-post yan!=)hehehe

      Delete

reactions?