Saturday, March 3, 2012

Ang Kardinal at Ang Artista

Birthday celebration ni tita. Simple lang ang nakahain. Kanin lang at menudo na pinasarap ng mga kuwento't trivia tungkol sa pamilya. May kamag-anak pala kaming member of the clergy. Ang chismis, may isang establishment daw somewhere in the Metro ang ipinangalan sa kanya. Cool di ba? Eto pang isang cool, may relative din pala kaming artista.Marami daw ang nagsasabing she possesses one of the most beautiful faces in Filipino cinema. Heart-Shaped Beauty daw ang lola mo, na lola ko na din kasi pinsang buo siya ng lolo ko. (May they rest in peace)

Akala ko ordinaryong selebrasyon lang ito, pero may isang malaking rebelasyong sinabi sila tita tungkol sa aking lolo na ikinabago ng pagtingin ko sa aking pagkatao. All this time, I thought I was someone which I am not. Kung hindi pala dahil sa selebrasyong ito, my 29-year existence would've been all a lie. Hindi pala ako 12.5% chinese. 18.75% pala. Si lolo kasi mestiso intsik. Ang akala ko kapag mestiso, 50% foreign, 50% local. Yun pala puwedeng 3/4 foreign at 1/4 local. Ang great grandfather ko was pure chinese and my great grandmother pala was half-chinese, half-pinay. That makes my lolo 75% chinese, my dad 37.5% chinese, and me, 18.75%.
Buti na lang hindi nakikita ang ganitong inconsistency sa birth certificate, kundi baka natulad pa ako sa distress na naranasan ni ate Venus sa Bb. Pilipinas.


Anyways...



Kung kilala niyo ang dalawang kamag-anak kong ito, comment na! Dahil ang unang makakapagbigay ng tamang sagot ay may premyo sa akin sa pasko. Seryoso!

10 comments:

  1. His Eminence, the late Cardinal Jaime Sin and Ms. Norma Blancaflor? ☺

    ReplyDelete
  2. wahhhh wala akong idea kung sino sila kaya siguradong mainit na pagbati lang ang makakamtan ko mula sayo sa pasko!

    ReplyDelete
  3. norma blancaflor!!!!! kaso may nauna na.

    ReplyDelete
  4. wala akong kahit isang idea... ayaw gumana ng mumunti kong utak. :)

    ReplyDelete
  5. keep the comments coming. anong ibig sabihin nun?=)

    ReplyDelete
  6. Cardinal Rufino Jiao Santos and Ms. Norma Blancaflor ang aking sagot. FTW!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay may panalo na agad..LOL! congrats!=)

      Delete
  7. Pope Benedict & Lucy Liu!


    wala lang.


    Bet ko lang. hihihi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha!! pero mas feel ko si michelle yeoh..beauty queen din..chortz!

      Delete

reactions?