Wednesday, March 21, 2012

Hindi Berde Ang Parang

Sampung taon na akong nagtatrabaho
wala pa rin ni isang kusing sa banko.
Ngayo'y pinag-iisipan, pilapil na tinatapakan
sadya kayang mapusyaw at kailangang lumisan?

Nag-iisang bagay na nagbibigay saya'y limot na
dahil sa pagkayod-kalabaw ng isang dekada.
Libangang magpalipad sa bukirin nitong saranggola
sabay takbo sa malawak na damuhan, magagawa ko pa ba?

Pagkaing galunggong, asin at mantika
hinahangad na maging salmon, cake at pasta.
Talaga kayang nararapat umalis sa Pilipinas
upang kalam ng sikmura'y di na muling madanas?

Ang kubong ito na puno ng kulisap,
magkaroon ng haliging bato ang aking pangarap.
Wangis ng mga tirahang aking ginagawa
Sa lungsod na matayog doon sa Maynila.

Hangad ko sana'y pumasok sa kolehiyo
matapos sa kurso't panitikan ay ituro.
Sa silid-aklatan, doon nais na akda'y lilikha
hindi ng tulay, gusali, bahay, o kahit ano pa.

Mas mayabong ang parang sa kabilang ibayo
hinuha ng ilan tulad ng kagawaran ng empleyo.
Hikahos na pamumuhay daw ay mululusaw
dahil mga inaasam at nais ay matatanaw.

Makulay na larawan ng bukas ang aking nakikita
sa napipintong paglipad sa ibang bansa.
Mga maligno ng kasalukuyan ay mapapawi na
sapagkat dala-dala ko ang sapat na pag-asa.

Kahit mga dayuha'y gawin akong alila
payag ako't sanay na, busog naman aking sikmura.
Pag-uwi'y mahalagang dolyar ang tangan
nitong bagong bayani ng pamilya't bayan.

Sa disyerto kung saan malawak ang buhangin
pagtupad sa mga pangarap ay sisimulang buuin.
Laruang saranggola nawa'y muling mapalipad ko
Sa damuhang kung saan, tingkad-berde'y kulay abo.

---------

Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan

44 comments:

  1. ang galeng-galeng. collaborate with someone, baka this can be made into a song.

    woot! woot! woot!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana naman bossing walang halong sarcasm ito..hahaha

      I wanna thank my family, my dad, my mom, my brother for this wonderful opportunity!=)lols

      Salamat!=)

      Delete
  2. Hindi na ako sasali sa contest! I concede... charoz...

    ReplyDelete
    Replies
    1. puwede ka naman maging first runner-up LJ! echoz! natatawa ako sa exchange of comments natin sa chuwirrer. hahahah!

      Delete
  3. Na-iimagine kitang naka barong at nasa gitna ng intablado ☺

    ReplyDelete
    Replies
    1. bry, how many times will i tell you, gown! haha

      salamat my dear friend=)

      Delete
  4. ang kata.

    good luck sa pacontest.

    ReplyDelete
  5. ay ito ba yung pacontest, ehehehe di ako makasali dahil naghiatus na lang muna ako hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu, isipin mo na lang na ito ang daan para bumalik ka..hehe..

      Delete
  6. bakit ka pa mag-iibang bansa kung may asenso naman sa Avon? CHOS!! joke lang haha :D

    nice ah! good luck sa contest!! may you have the crown! haha :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit na 3rd runner-up lang masaya na ako..hahahaha

      Delete
  7. ang galing nito kuya... nahiya naman ako sa ginawa kong tula...

    ReplyDelete
  8. ang galing galing naman nito. nahiya naman ako sa tulang ginawa ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa pagbisita=) ni-try ko lang gumawa hehe=)

      Delete
  9. ILIKE... lalo na yung part na "Sa disyerto kung saan malawak ang buhangin
    pagtupad sa mga pangarap ay sisimulang buuin" goodluck po master MJ sa contest!

    ReplyDelete
  10. salamat naman at nagustuhan niyo ang aking lahok..hihi=)

    ReplyDelete
  11. San man mapadpad, ituring itong isang oprtunidad.
    Hawakan ang prinsipyo at laging hanapin ang saya.

    Kung nasaan ka man, mapagpalayang gabi at maraming salamat sa pagbisita sa aking kuta.

    Yas,

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikaw pala'y makata, mga salita'y tugma..

      salamat din sa pagbisita sa espasyo kong aba..

      yun eh!hehe! salamat po ulit yas!=)

      Delete
  12. ganda nman ng tula.
    akmang akma sa title.
    inspirational!

    ReplyDelete
  13. magaling at nakayang paglaruan ang mga balakid na salita!

    goodluck para dito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat tolprats!=) pa-kiss?joke!

      salamat sa pagdalaw at pagsunod=)

      Delete
    2. wow pwedeng hurado si jay :)

      hahaha..

      Gudlak dito sa iyong magandang likha.

      Delete
    3. kahit hindi na manalo. masaya na ako. dami na naka-appreciate ng gawa ko weh=)

      Delete
  14. yun oh!! saang disyerto ka po naglalagi?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi pa po sure, pero sana sa dyubey..heheheh

      Delete
  15. hmmmm
    napatingin tuloy ako sa payslip ko,

    parang gusto ko na din magpaalila sa dayuhan. lol biro lang.

    ang galing naman

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas magaling ka kaya sir jason!

      salamat sa pag bisita=)

      Delete
  16. nakanang!husaya! andaming magaling at isa ka dun :))

    ReplyDelete
  17. ang husay! isang masigabong palakpakan - nakarelate ako =)

    ReplyDelete
  18. Pamagat pa lamang ng tula, naaakit na akong i-click itong site mo Sir.

    Hindi berde ang parang sa disyerto. :)

    Mula sa buhay probinsya, doon nagsisimula ang pangangarap. Pangarap na mas higitan pa ang nakasanayan na dahil iisa naman ang nais...ang umalwan manlang ang buhay.

    Magandang tula. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. alam nyo po sir? yung komento niyo parang Max's...
      SARAP TO THE BONES!

      kilig ako sobra!

      kung nakikita niyo lang gano ka-laki ng ngiti ko dito..salamat! salamat!=)

      Delete
  19. Isang napakagandang tula kaibigan! -emotera

    ReplyDelete
  20. ui good luck syo, napadaan lang po :)

    ReplyDelete
  21. Nagbasa. Humusga. Naka-relate ang isang tulad kong alipin sa disyerto.

    ReplyDelete

reactions?