Thursday, March 15, 2012

A Little Prayer

Asthma
Hyperthyroidism
Diabetes
Parkinson's


Itong pamilya ko naman kung makasalo lang ng sakit, parang hindi mauubusan, sus! Pero in fairness, choosy kami. Yung mga pangmatagalang gamutan at incurable ang mga kinuha. Hayst.

Nevertheless, wapakels. Hindi naman dapat kami kaawaan kasi ultimately dun din naman tayo lahat papunta. Una-unahan lang. Hehe.

Kaya everyday, think positive!

Dapat laging nagpapasalamat sa bawat araw na biyaya kaya naman naisipan kong gumawa ng isang dasal ng pasasalamat sa Dakilang Lumikha.

It goes something like this:


Dear papa God,

Salamat po sa lahat ng blessings na ipinapagkaloob mo sa pamilya ko.
Salamat po sa hyperthyrodism na inyong dala. My heart won't race and skip a bit without you.
Salamat din po sa asthma ni tatay. Dahil diyan, You always take his breath away.

I thank you too for never failing to provide blessings every single day,
You're sweet. Sing tamis ng diabetic na dugo nila nanay at tatay.
Kaya naman nanay always shivers sa pagkakilig at every thought of you.

Muli po, salamat ng marami.


Love,

Mark Joe


PS
Salamat po at gumaling sa prostatitis si kuya.

20 comments:

  1. Oo nga, Mark. Think positive. Pwera lang kung nagpapa-"bug" test ka ;)

    ReplyDelete
  2. Im actually contemplating on having myself tested..natatakot lang ako given na Familia Miseracordia nga kami, lahat ng sakit meron...

    ReplyDelete
  3. korek! think positive! hahaha i like the way your thanksgiving prayer sounds. napaka thankful talaga! ahaha char!
    anyway good to hear na okay na kuya mo from that. prostatitis? hmmm di ko alam. pero i bet my prostate na konektado ito sa prostate, tama ba?
    hmmmm ma-google nga... *google-ing*

    ReplyDelete
    Replies
    1. namen!hehehe..tumpak, inflamed ang kanyang prostate..nasobrahan siguro.recently lang kasi ikinasal..haha

      Delete
    2. haha baka nga! wahaha nasobrahan siguro sa *takip ng invisible abaniko*
      haha chos! :D

      Delete
  4. Yeah.. You must be positive about things.. I mean, He won't give you things na di mo kakayanin..

    ReplyDelete
  5. tama yan. be grateful, be thankful for life and for the fact na may pera pa tayo pambayad sa PF ng doctor at pambili ng meds. LOL

    ReplyDelete
  6. i belong hehe!

    asthma
    hypertension
    gout (tama ba spelling?)
    scoliosis
    acid reflux

    I should be sad..and depressed..but I discovered your blog..=)

    No to negative vibes..prayers lang yan and basa ng blog entries mo and I know I can overcome.. samahan ko na din ng entries ni Ms. Chuniverse..I have to thank her pala for "leading" me to this site (her tlaga hehe!) after I read one of your comments on the Queen's website..

    ReplyDelete
    Replies
    1. honga, positivity my friend!=)

      napaka flattering naman ng comments mo..=)salamat!

      Delete
  7. as long as you live healthy or fully, kung magkasakit ka, the important thing is you're satisfied with life.

    i come from a family of diabetics, tanggap ko na one day, i will have one kaya ngayon, ineenjoy ko na lahat ng matatamis.

    we are blessed, we just forget about it sometimes.

    ReplyDelete
  8. kahit sa family namin may ganyan ding sakit like asthma and diabetes, so its a very common disease sa pamilya

    ReplyDelete
  9. everything we receive from God is a blessing, whether it is good or bad :)

    ReplyDelete

reactions?