Monday, February 27, 2012

Flesh Trade

I've been wanting to tell one of my secrets that not everyone knows about.

Sabi ni Roy Baumeister et. al., ang kakayahang pigilin ang sarili ay isang ugaling maaaring maubos. No matter how hard we try to control ourselves to avoid certain things, when our willpower gets depleted, we eventually give in.

Tulad ngayon, pinipigilan kong magsulat ng tungkol sa tawag ng laman yamang kasisimula pa lang ng apatnapung araw (actually 46) ng pagtitika bago ipagdiwang ng sangkatolikohan ang Pasko ng Pagkabuhay. But what can you expect? Tao lang ako't ubos na ang aking self-control.

When I say "tawag ng laman", yun ay ang pangangalakal ng laman. Tama, flesh trade.

Yes,naranasan ko nang magbenta ng laman. Nagsimula ako noong ako'y trese pa lang. May tita ako na ganitong linya ang ikinabubuhay. Siya ang nagtulak sa aking pumasok sa ganitong uri ng kalakalan. Sabi niya mas maigi daw na mamulat ako ng maaga sa ganitong buhay.

Noong umpisa, mahirap. Ramdam ko pa kasi yung hiya, lahat kasi ng kasamahan ko macho't matitipuno. Ano na lang panama ng isang binatilyong lampayatot kapag naihilera kasabay ng mga lalaking ito? Bihasa na din sa sales talk yung mga nauna sa akin - konting akbay, konting biro benta agad! Ako, isang tanong, isang sagot lang, walang ka-PR PR.

The flesh trade is a very dirty business. Marami din akong nakilalang tulad kong bata na nasabak ng maaga sa ganitong uri ng trabaho. The younger the better sabi nila. Mas bata mas mabenta, hindi maikakailang kaming mga bata ang center of attraction. Bago kasi kami sa mata ng mga regular na patron ng lugar na yun. Parang silang mga ibong mandaragit na handang lapain ang mga musmos at bubot naming katawan. Nakakatakot sila.

Eventually, sa tulong na rin ng mga kasamahan at ng tita ko. Natuto akong lunukin ang kung anumang hiya, pride o takot sa katawan ko. Hindi ko din ikakailang nakatulong ang malaking perang kinikita ko sa apat na oras na trabaho para makalimutang madumi ang pinasukan ko.

Lahat ng uri ng tao naging customer ko, nariyan ang mga effeminate gays, mga tipong office girls na edukada. Pero, kadalasan kong customers noon ay mga matatandang babae. Yung mga tipong hindi na maitatago ng sanlibong paligo yung amoy alimuom na lumalabas sa katawan nila. Maliban sa kanila, meron ding mangilan ngilang lalakeng customer. Yung mga hindi mo aakalaing dumadayo din sa ganoong lugar. Straight na straight kumbaga. Madalas yung mga uri pa nila ang malakas tumawad pagdating sa presyuhan. Hindi ko na inalintana yun, basta may pera, ayos lang.

Magulo at madugo ang mundong saglit kong ginalawan. Dito ko nakitang magsaksakan ang dalawa kong kasamahan dahil lamang sa agawan ng customer. Sa murang edad na trese, namulat ako sa ganitong mundo. Pero marami akong natutunan. Dito ko nasimulang magtiwala sa power ng self-confidence. Hindi ako bebenta kung hindi ako magtitiwala sa kakayanan kong magbenta. Natuto akong makisalamuha sa lahat ng tao, natuto akong makinig sa mga kuwentong kanilang binabahagi. Natuto din akong makisama. Mahirap na, baka ako pa ang sumunod na magripuhan.

Kahit bata akong nasabak sa tawag ng laman, ayos lang. Kahit na madumi, mahirap, nakakatakot, magulo at madugo ang ganitong trabaho ay maraming bagay akong natutunan. Mga bagay na malamang ay hindi ko mauunawaan saan man. Kaya kung ako'y pagpipiliin, gugustuhin ko pa ring maranasan ang magbenta ng laman.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ng baboy, baka at manok. Sa palengke of course. Hindi kami illegal vendor no!

35 comments:

  1. oh my.

    it was like ;(

    then suddenly grasp me at the end with a :D
    hahaha
    lol

    ReplyDelete
  2. did not expect to read something like this from you.

    nakakagulat. pero interesting.

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo kuya(!) GB, naging tindero ako sa palengke. summer job nung HS=)

      Delete
    2. at syempre ngayon ko lang nagets yung punchline. LOL.

      Delete
  3. sabi na nga ba may punchline e hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. yaan mo Kuya(!) ambot, yung next post walang punchline.i hope=)

      Delete
  4. Hay naku i was about to ask pa naman how much is ur rate!chosssss

    ReplyDelete
  5. murang mura, 180 pag baboy, 120 pag manok at 250 pag beef. yung sirloin 400/kg. u want?LOL

    ReplyDelete
  6. Ay, ibang laman ang nasa isip ko! hahaha! :)

    ReplyDelete
  7. adame chuni: aaaay naku, yun rin pumasok sa utak ko! lolz

    Mark: magkano ang karne mo? charot!

    ReplyDelete
    Replies
    1. At baket libre kay Terni!????????!!!!!

      hahaha! nag-reaxct daw. :D

      Delete
    2. kase sa'yo madam chuni, ako ang magbabayad makapiling lamang kita. charlotte!=)

      Delete
  8. haha... Buti nalang binasa ko ng buo, hehe.

    orangewit.wordpress.com

    ReplyDelete
  9. "Tawag ng laman" at pangangalakal ng laman?
    From how I see it's two completely different things.

    Ang nastuck lang sa isip ko ay ang pagbebenta ng laman, - pero hindi ng manok baboy o baka.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung tawag po ng laman, kase kailangan namin tawagin or ayain yung mga tao para bumili ng laman..

      Delete
  10. i knew it. style ko rin yan. lalagyan ko pa ng photo sa dulo. LOL.

    getting involved in a business, in whatever role, teaches a person so many valuable lessons about life na never mo matututunan sa school.

    ReplyDelete
  11. ikaw na... hahaha. akala ko kung ano na, parang horror movie na naging comedy ang ending.

    ReplyDelete
  12. Haha. Ang galing! Hello Mr.Butcher. :)

    ReplyDelete
  13. Sabi na nga ba eh.. Alam na alam ko tong kwentong to.. Hahahaha.. I lurve it! Hoy sabi ng mga friends mo ditey Begyow eh bumisita ka naman daw.. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. daminga galit sa akin jan sa beygyow eh! hehehe..

      Delete
  14. pak! ako na yung hindi innocent wahahahaha like the post though ☺

    ReplyDelete
  15. Sinu sinu galit sayu?! Dali papatira ko sila kay BOWGART! LOL

    ReplyDelete

reactions?