Sa mga oras na ito, wala man ako sa tabi mo, sana malaman mo na isang parte ng puso ko ay nakalaan lamang para sa iyo. Isa ka sa mga taong humubog sa pagkatao ko. Ikaw ang kaisa-isang nilalang na ayaw akong maging kaliwete. Tanda ko ang pananakot mo na magiging masama ako kapag itinuloy ko ang pagsusulat sa kaliwang kamay. Tanda ko rin na ikaw ang pinakamadaldal na matanda sa tahanang kinalakihan ko. Lahat kasi napapansin mo. Halimbawa na diyan ang mga microscopic na alikabok na lagi mong winawalis pag dating mo galing sa eskuwelahang pinagtatrabahuhan mo.
Hindi ka man pinagkalooban ng isang anak na masasabi mong iyong iyo, alam ko na isa kang mabuting ina, dahil ramdam ko iyon mula sa iyo. Kahit na puro bunganga ang bungad mo sa akin at kay kuya, okay lang dahil kaakibat nito ang mga candy na kinumpiska mo sa mga pupils mo. Salamat din po sa libro ni Zaide na mula sa library ng school niyo na nagbigay sa akin ng makulay na imahinasyon tungkol sa kasaysayan ng bansa natin.
Alam ko po na hindi conjugal property ang pamanang bahay sa inyo ni lola Deliang kaya salamat po na sa akin niyo gusto ipamana ito. Pero hindi ko kailangan ito. Kayo po ang kailangan ko.
Nakakatuwang isipin na sa kabila ng inyong karamdaman, ipinakita niyo pa rin sa akin ang katatagan na hindi ko pa nakita sa kahit na sino man. Sa tulong ng Maykapal, malakas ang loob kong malalampasan niyo ang pagsubok na ito. Pero sana naman huwag niyo ring kalimutang alagaan minsan ang inyong katawan. Kapag may nararamdaman na, magpatingin agad sa doktor para hindi na ulit umabot sa ganitong pagkakataon, Okay?
Mamayang hapon, dadaan ako diyan. Sana may epekto pa din ang anesthesia para groggy ka pa din at hindi mo ako ulit bungangaan. Pero sa totoo lang gusto ko maabutan kang tulog pa din para mahawakan ko ang iyong mga palad at mabulong sa iyo na mahal na mahal kita. Hindi ka kasi touchy.
Hindi ko man magawa ito mamaya, bilang hindi rin naman ako touchy tulad mo. Hayaan mo na lang na kahit dito sa blog na ito ay masabi ko ang tunay kong nararamdaman para sa iyo.
Tita, pagaling ka po ha? Huwag ka muna mawawala, hindi pa ako ready. Mahal na mahal po kita.