Friday, April 13, 2012

My Brother From Hell


Mahal na mahal ko ang aking mga magulang. Ayaw ko silang makitang nasasaktan. Sigurado ako na ang pagmamahal na ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa baldado ang isa pa nilang anak. One time kase muntik ko nang baliin ang leeg niya.

Napakasuwerte ng kuya ko dahil siya ang paborito nila nanay at tita. Paborito siyang ipagdasal nila nanay at tita sa kanyang agarang pagbabago. Napakasuwerte din ni kapatid dahil isa lamang siya sa tatlong taong nakatikim ng kamao ko. (The other two being my uncle and college best friend. Saya di ba?)

Hindi talaga kami close ng utol ko. Don't get me wrong though. I don't hate my only sibling. Mahal ko pa din siya kaya nga gusto ko lang na maparalyze siya. I don't want him dead. I only want him to suffer.

Why? Let me cite some reasons.

Una, mautos siya. Noong bata pa ako, pag siya ang inuutusan nila nanay, for sure tatawagin niya ako para iutos sa akin ang utos na iniutos sa kanya nila mudak. Nung mga time na yun inisip ko na mas okay na maging middle child at maging black sheep kesa naman sa maging chimi-ah-ah ng pamilya ko. Looking back, I think I handled that time of my life with poise and finesse like a true little Miss Philippines. Besides, bata pa nga ako at madaling mauto.

Pero ang memory na talagang tumatak sa mura at bubot kong pag-iisip noon ay yung tawaging "panget". Since uto-uto nga ako, ayun naniwala naman ako sa kanya na isa nga akong ugly bakling. Siguro, sadyang Inggitero lang talaga siya. 

When I was a junior in high school nga, my parents bought me new leather shoes and a handsome set of  formal attire for my prom night. Bilang inggitero nga, gusto niya meron din daw siya. Hindi niya narealize na apat na taon na noon ang nakalilipas nung ibinili siya nila parents ng ganung kagarang mga damit dahil may prom din siyang pinuntahan. Yun nga lang, yung kanila, sa school grounds, kami sa hotel. Siguro nga tama lang din na mainggit siya. Chaka ng venue nila eh.

I could list a lot more reasons why I don't like him. But since I have lived with him for almost the entirety of my life, I have already learned to adjust. After all, according to my parents, I am the "understanding sibling". Mas matalino daw kasi ako. Sa kanya ang kaguwapuhan, akin ang katalinuhan. Nagpapasalamat naman ako dahil sa aspeto na ito, tanggap niya ang masaklap na katotohanang sadyang smarter ako. Hindi lang niya alam na mas masaklap ito para sa akin dahil mas gusto kong akin ang looks.

Hindi niya alam na ako ang naiinggit sa dami ng blessings at attention na nakukuha niya. Maambunan lang ako ng mga iyon, masaya na ako. His success is my success too. Kapatid ko siya eh. Pero that doesn't mean that I don't want him crippled still. Gusto ko pa din makita siyang nasa wheelchair because of me.



Ayaw niya kasi ako pahiramin ng laptop eh! Di na tuloy ako makapag-twitter!Waaaaah!!!!



16 comments:

  1. i am beginning to like your brother.

    i should meet him to thank him in behalf of everybody.

    hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. he's already married. nakabili ka na ba nung gamot for itching brader?

      muhahahaha!

      Delete
    2. does he still lives with you kasi married na siya? pogi ka rin naman ah at smart pa.

      ganyan naman talaga may love and hate relationship tayo sa mga kapatid natin pero in the end magkadugo tayo and we love them

      may binabasa akong japanese manga at my favorite tv series titled seigi no mikata (my sister is a demon/ally of justice)

      http://wiki.d-addicts.com/Seigi_no_Mikata_%282008%29

      http://www.mysoju.com/japanese-drama/seigi-no-mikata/

      http://mangafox.me/manga/seigi_no_mikata/

      tinotorture ni ate yung younger sister niya at naghahanap siya ng bf para sa ate niya para makaalis na siya sa bahay nila at sumaya ang buhay niya hahahaha





      its normal naman na magaway ang magkapatid but still the love for your sibling will always be there

      Delete
  2. oh the joys of being the eldest hihihi ☺
    sibling rivalry raw is nothing but normal.

    ReplyDelete
  3. eto yung link ng seigi no mikata if your interested to watch it hehehehe

    http://www.dramacrazy.net/japanese-drama/seigi-no-mikata/

    ReplyDelete
  4. ay wag naman gnun,

    you're blessed to have a brother you know,

    hmmmm, God will make a way para marealize din nya ang mga gnagwa nyang mali sa yo

    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually kahit hindi na nya marealize yun..life's exciting dahil sa kanya..heheheh

      Delete
  5. Ako din ganyan.. ng bata ako, ako ang chimina-ah-ah sa family kasi ako ang pinakapangit.. yung dalawang kuya ko daw pogi at matalino..

    Tinanggap ko yun kasi ayoko nga matawag ng pogi! maganda pa keri ko hahaha!

    hay naku.. kung ayaw ka pahiramin ng laptop.. maghanap ka ng malaking magnet, pref yung sa lumang speakers tapos itabi mo sa laptop ni bradir at mabubura nun files sa laptop nya hehehe!

    ReplyDelete
  6. kaya pala di ka na nakakapag twitter labs, asan na yang kuya mo, makutusan nga!

    ReplyDelete
  7. Ayy married na pala si kuya. Gusto ko pa naman makilala. lols.

    ReplyDelete
  8. hmm... minsan talaga, you will not like your siblings, pero since family mo pa din sila, they will always be there. :D

    buti nalang hindi ka pinapahiram ng laptop. :D

    ReplyDelete
  9. I could relate to your brother.. lol.. feeling ko may poot din kapatid ko sakin,.. peace!

    ReplyDelete
  10. aaaahhhh.. may sister issues din ako parehong pareho ng sayo but until now, ako pa din ang nag a-adjust anytime soon din naman hihiwalay na ko sa kanila and di ko na siya makakasama sa bahay. buwahahahahaah!

    ReplyDelete
  11. I've always thought that as you grow older, your relationship with your siblings gets better too. I guess it depends on the person, yeah?

    Time to buy an iPhone, then. Haha!

    Great post, btw. :)

    ReplyDelete

reactions?