Friday, April 20, 2012

Tita R

Hindi mo siguro alintana ngayon ang mga taong nakapalibot sa iyo sa mga oras na ito habang ikaw ay himbing na natutulog pero alam ko na alam mong wala silang hangad kundi ang mapabuti ang lagay mo.

Sa mga oras na ito, wala man ako sa tabi mo, sana malaman mo na isang parte ng puso ko ay nakalaan lamang para sa iyo. Isa ka sa mga taong humubog sa pagkatao ko. Ikaw ang kaisa-isang nilalang na ayaw akong maging kaliwete. Tanda ko ang pananakot mo na magiging masama ako kapag itinuloy ko ang pagsusulat sa kaliwang kamay. Tanda ko rin na ikaw ang pinakamadaldal na matanda sa tahanang kinalakihan ko. Lahat kasi napapansin mo. Halimbawa na diyan ang mga microscopic na alikabok na lagi mong winawalis pag dating mo galing sa eskuwelahang pinagtatrabahuhan mo.

Hindi ka man pinagkalooban ng isang anak na masasabi mong iyong iyo, alam ko na isa kang mabuting ina, dahil ramdam ko iyon mula sa iyo. Kahit na puro bunganga ang bungad mo sa akin at kay kuya, okay lang dahil kaakibat nito ang mga candy na kinumpiska mo sa mga pupils mo. Salamat din po sa libro ni Zaide na mula sa library ng school niyo na nagbigay sa akin ng makulay na imahinasyon tungkol sa kasaysayan ng bansa natin.

Alam ko po na hindi conjugal property ang pamanang bahay sa inyo ni lola Deliang kaya salamat po na sa akin niyo gusto ipamana ito. Pero hindi ko kailangan ito. Kayo po ang kailangan ko.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng inyong karamdaman, ipinakita niyo pa rin sa akin ang katatagan na hindi ko pa nakita sa kahit na sino man. Sa tulong ng Maykapal, malakas ang loob kong malalampasan niyo ang pagsubok na ito. Pero sana naman huwag niyo ring kalimutang alagaan minsan ang inyong katawan. Kapag may  nararamdaman na, magpatingin agad sa doktor para hindi na ulit umabot sa ganitong pagkakataon, Okay?

Mamayang hapon, dadaan ako diyan. Sana may epekto pa din ang anesthesia para groggy ka pa din at hindi mo ako ulit bungangaan. Pero sa totoo lang gusto ko maabutan kang tulog pa din para mahawakan ko ang iyong mga palad at mabulong sa iyo na mahal na mahal kita. Hindi ka kasi touchy.

Hindi ko man magawa ito mamaya, bilang hindi rin naman ako touchy tulad mo. Hayaan mo na lang na kahit dito sa blog na ito ay masabi ko ang tunay kong nararamdaman para sa iyo.

Tita, pagaling ka po ha? Huwag ka muna mawawala, hindi pa ako ready. Mahal na mahal po kita.


13 comments:

  1. I hope your aunt gets better soon.

    May pinagmanahan ka pala ng style sa ayaw magpacheck sa doctor.

    I think that you need to overcome your uneasiness to be touchy during times like these.

    ReplyDelete
  2. im sure she will be better.=)

    tama ka diyan trav!=)

    ReplyDelete
  3. Pray to God, he always listens :)

    ReplyDelete
  4. Di kami touchy and emo ng fave tita ko when we were younger..pero nung latest visit nya three years ago.. dun ko na re-realize king gaano lalaking part sya ng buhay ko.. and i told her i love her and embraced her for the first time..

    We have become closer now..ako sumbungan nya ng sama ng loob..at mas nauna pa syang nag-accept ng preference ko compared sa family ko..

    You may want to start making her feel gaano mo sya na-appreciate..this may be the best time to do so..makinig ka matandang tulad ko MJ.. heheheh!!

    ReplyDelete
  5. I'm sure your Tita will get better soon labs! Pag pray natin yan! :)

    ReplyDelete
  6. He's the Great Divine healer. Will offer a special intention for her in my prayers.

    Worry not.

    Your Anonymous Fan (o^^o)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks!!!!=) kahit hanggang ngayon di pa kita kilala..heheh

      Delete
  7. This may be a good time to tell ur Tita you love her MJ..

    Everyime is a good time naman for us to express our feelings lalo na pag sincere at heartfelt..

    ReplyDelete
  8. PRAY! and everything will be alright.

    ReplyDelete
  9. Hi! I have awarded you the Versatile Blogger Award.

    Check out my post here: http://xiangarvida.blogspot.com/2012/04/versatile-blogger-award.html

    Cheers!

    ReplyDelete

reactions?