Wala akong maisip na mga parirala para makabuo ng isang magandang pangungusap para sa mga susunod na letrang aking isusulat. Gusto ko lamang makagawa ng isang piyesang makapagbibigay ng isang payak na pagsusuma sa aking mga katangian. Nakalahad sa listahan sa ibaba ang ilan sa mga ugaling aking taglay:
1. Hindi talaga ako makata. Trip ko lang isulat sa aking lingua franca ang piyesang ito. Besides, naubusan na ako ng Ingles dahil sa huling post ko. Pero, actually, sadyang limitado lamang talaga ang aking bokabularyo sa banyagang wika. True!
2. Hindi ako palabasa ng mga nobela. Sa talambuhay ko, tatlo pa lang ang uri ng babasahing ito na natapos ko. Namely: Dan Brown's Da Vinci Code, Erich Segal's Doctors, and Ricky Lee's Para kay B.
3. Isang beses lang ako nagkaroon ng talaarawan. I was sixteen going on seventeen when I had my first one. Sa awa ng Diyos, naging gabay yung journal na yun ng aking pinsan para maging isa siyang magaling na manunulat at kartunista ngayon dahil yun mismo ang una niyang ginawang sketch pad noong siya'y maliit pa. Mabuti na yun, kesa dingding namin ang sinulatan niya.
4. Sabi ng mga nakakakilala sa akin, magaling daw akong magluto. Specialty ko ang mga Filipino dishes na merong tomato sauce tulad ng menudo na siya ring pangalan ng isang boy band noong dekada otsenta. Sabi ni Mrs Erabagon, teacher ko noong kinder, kamukha ko daw si Ricky Martin. Kauri ko din siya I say.
5. Mahilig ako sa sports, pero hindi ako magaling. Nasubukan kong mag table tennis, badminton, swimming, volleyball, basketball. May mga non-olympic sports din akong nasubukan tulad ng bowling, billiards, darts, at chess. Given the chance, gusto ko matuto ng surfing, lawn tennis at soccer. I'd like to try triathlon at dragon boat racing too.
6. Mahilig ako sa mga walang katuturang impormasyon A.K.A. trivias. Alam kong hindi lang mga tao ang marunong sa oral sex. Ginagawa rin ito ng mga cheetah, hyenas at kambing.
7. "Bahala ka na, malaki ka na." ang kadalasan kong sagot sa mga kaibigang humihingi ng payo sa kanilang mga buhay-buhay. Paniniwala ko kasi na kahit na anong pangaral ang gawin ko sa kanila, at the end of the day, desisyon pa din nila ang masusunod. Kapag sablay ang desisyon nila, hindi ako magdadalawang isip na sabihing "Tangeks! Lika nga, hug kita".
8. Madali akong mairita sa cliffhanger ng mga TV series kaya pinapatapos ko muna ang season bago ko panoorin ng buong buo ang Fringe, Glee, at The Big Bang Theory.
9. Kailangan muna lumubog ang araw bago ako lumabas ng bahay kasama ng mga kaibigan. Ayokong ma-sunburn. Pero ang totoo, sinumpa kasi ako ni Inang Kalikasan ng hyperhydrosis at sa takipsilim lamang hindi grabe ang sumpang ito.
10. Bilang diwatang isinumpang maging isang mortal na pawisin, madalas ay inaasam ko ring makabalik at manirahan sa kahariang pinagmulan ng aking Ina - sa Pangasinan. Doon kasi ay masamyo ang simoy ng hangin at musika ang pagaspas ng mga matatayog na puno ng indian mango, grapefruit, jackfruit, sinigwelas, kamachile at aratilis. Sa bawat pagdampi ng hangin sa aking maselang balat, napapawi nito ang pawis na kaakibat ng aking sumpa.
Wala na akong ibang maisip na pang-uring maglalarawan sa aking pagkatao kaya iiwan ko muna sa sampu ang mga bagay na makapagbibigay buhay sa akin - si Mark Joe ang huling inosenteng nilalang.
aw... may natutunan ako today, may ganun pala, pinagpala na mas maging pawisin.
ReplyDeleteyeah, gusto ko din ng province... tahimig, malamig, at higit sa lahat mapuno.
I shall never see a poem as lovely as me, este, a tree pala..heheh..
Deletepawisin ka din pala. kainis lang dahil di aircon ang workplace ko. 2 towels, 4 hankies, wet tissues at 1 t-shirt ang baon ko sa pagpasok. hays...
ReplyDeletesir ambot, ako 1 towel, isang hanky lang plus the t-shirt din..hehehe
Deletemukha na nga akong bombay, minsan nagkakapareho pa kami ng amoy haha
Delete'di pala ako nag-iisa. grabe din ako magpawis. konting galaw, papawisan na kaagad ako...
ReplyDelete3 na tayong pawisin nila sir ambot..heheheheh
Delete