Sunday, February 14, 2010

I Shouldn't Have Spent Valentine's With Him, But...

Wag ka na munang pumuntang Maynila.

Tonight we'll discuss the last major topic for the client...

4PM, February 12, Friday. Last day of the workweek. Babalik ako ng Maynila pagkatapos ng training. Walking distance lang ang Gov. Pack bus terminal mula sa PeopleSupport. Walang pumapasok sa utak ko. Must be because it's the last day of the week. Must be because of the Valentine's din. Ito ang unang araw ng mga puso namin ni McCoi. Ito din ang unang Valentine's na hindi kami magkakasama.

The class ended. It's time to go back to Manila to process the long-delayed exit interview with my previous employer. Our HR has already been bugging me for the clearance. I also need to confirm with BIR if the RDO code has been updated. I would be in the capital til the 15th. I have to head back to Manila.

Sa bus, balisa ako. Ayoko sanang iwan ang daddy ko sa Baguio, pero kailangan magtipid, tsaka hindi ko pa siya kayang makitang duguan at bugbog sarado mula sa mga hampas at suntok ng pamilya ko.

Kinalabog na ng kundoktor ang likod ng bus, it's time. At dahil mag aalas dos na ng umaga, halos lahat ng pasahero tulog na. Ako, naglalaro lang ng Tower Defense, nililihis ang isip sa maiiwang kapareha.

Di nagtagal, nasa Marcos Highway na kami. May mamang sumakay, tumabi sa akin. Di din nagtagal bumulong siya, may matulis na bagay akong naramdaman sa tagiliran ko.

Holdap to. Wag kang kikilos.

Napaurong ako. Sumabay ng inday ang mama at tinusok ang ice pick sa akin. Kinuha nya ang phone at wallet ko, tumayo, at pinaalam sa iba pang mga sakay na kailangan niya lahat ng mga gamit namin. Hindi lang pala siya ang magnanakaw. May iba pa pala siyang kasama na nauna ng sumakay sa istasyon.

Sobrang hapdi ng bewang ko. Akala ko wala nang mas kikirot pa sa ma-bottom.

While the thieves were divesting each passenger's belongings, I was writhing in pain, and slowly, my eyes closed. Flashbacks of fond memories came pouring in. I couldn't hear the commotion and panic around me anymore. Everything and everyone became silent.

Mark, tapos na.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakasisilaw ang liwanag.

Mark, tapos na ang training. Gising na. Si Yam. Batchmate ko.

4 comments:

  1. u mean its just a dream?waaaaaaa

    haha may mas sasakit papala sa ma bottom a!LOL

    ReplyDelete
  2. yeah mac callister..twas a dream..dala na siguro ng stress sa training at valentines..salamat!

    ReplyDelete
  3. buti din di ako nahuli ng trainer na natutulog..hehe

    ReplyDelete

reactions?