Friday, February 12, 2010

Cynophobia

Isa sa napakaraming traits na gusto ko kay McCoi ay ang kanyang sense of humor. Sabi nila opposites attract. Sa pagkakataong ito, palagay ko tama ang kasabihan. Liban sa panakanakang corny jokes na kinopya ko mula kay greenpinoy, mukha lang yata ang may humor sa katawan at pagkatao ko. Bagay talaga kami ng aking daddy - term of endearment namin.(blush)

I like the way he delivers jokes. Laging may twist. One time, habang umaastang turista sa Burnham, we saw this typical-looking lady walking with her chihuahua na parang baby girl ang attire.

Ay, ang cute naman ng bitch... At ng kanyang dog! Insekyora lang pala ang lola mo sa may-ari. Hehe

Speaking of dogs, may kinalaman din ang mga aso kung bakit madalas magalit sa akin si McCoi.

Sa unang tingin, no one would notice na becky ako. Sa pananalita, maton na maton at walang bahid ng kabakleran. Pero iharap mo sa akin ang isang kumakahol na aso, and you'll realize, bakla nga ako.

Whenever someone behaves in a way we can't understand why, we brush it off but leave a comment like "childhood trauma yan" to at least explain why. At to some extent, tama ito lalo na sa kaso ko na apat na beses nang kinagat ng aso. Hindi ko alam kung bakit paborito ni Putol ang legs ko. Yung una ang pinaka-oh so memorable. Naaalala ko pa ang sakit ng crushed bawang na dumampi sa duguan kong binti.

Going back, bakit nga ba laging nagagalit sa akin si McCoi? For the last four weeks at 1am after work, he's been waiting for me outside the house kasi naglipana ang mga lintek na aso sa labas. May 1 time pa nga na hindi ako bumaba ng taxi kasi naunang mag-intay si River, isang askal na pitbull, sa pinto ng taxi. Naiirita si McCoi kasi hindi ko maovercome ang takot ko sa mga aso. Naiirita siya pero he understands. He wakes up middle of the night to save the damsel in distress - me. Kaya love na love ko daddy ko eh.(blush uli)

Moral of the story? Wala yata. Gusto ko lang i-share ang isa sa mga naiisip ko, ang Cynophobia. The irrational fear of effin' dawgs.

4 comments:

  1. huwaw, wala naman akong masabi kay mccoi. ibang klaseng magmahal. teka, parang kilala ko siya. parang friend ko siya. blogger din ba siya? hehe! i wish you and mccoi a very memorable valentine. cheers! :)

    ReplyDelete
  2. hmmm..hehe..yup aris,friend mo siya. at oo, blogger din siya..hehe..tenks tenks!

    ReplyDelete
  3. i have diff experiences sa mga aso, for some reason, hindi ako tinatahol ng aso. weird.

    nice blog.

    ReplyDelete
  4. di naman ako kumakain ng aso..tinatahulan pa din ako..hehe..thanks po! sau din ganda blog mu

    ReplyDelete

reactions?