Wednesday, May 23, 2012

See You Soon

Pakitingin naman kung nakikita mo diyan ang pangalan ko sa mga malapit nang sumunod sa'yo.

Kung hindi mo makita, pakisabi naman kay San Pedro, I will do my best para maging karapat-dapat na kasama diyan sampu ng mga mababait na pamintang tulad mo. 

Nga pala, ngayon siguro nakikita mo ako na may kasama dito sa Baguio. Siya na yata ang Gardo ng buhay ko.   Alam mo din siguro kung ano ginagawa namin nung time na sinusundo ka na ni Angel Gabriel. Maka-timing ka naman kasi madaling araw. Ikaw na ang mischievous brother.

Tama nga ang kasabihan, "Good souls die young.". Tama ka, mas mabait ka. I wish you would've been a little bit naughtier so you would've stayed a bit longer, but it's just me being selfish. Para kasing kulang yung time eh.

Brader, Miss na kita. Pag nagparamdam ka, hindi ako matatakot, pramis! Kahit one time lang. Gusto lang kita pasalamatan sa  maikling panahon na naigugol mo para sa akin. It was short, but was well worth it, kahit na I wanted more. I learned a lot from you. I hope you know that. I'm sure you do. 

Thank you. 

I want to say a lot more but I want to keep it private between the both of us, so just do eavesdrop on my prayers na lang. Okay? Try to put earplugs na din.

Rest well, brader. You will always be remembered.


6 comments:

  1. For sure happy siya kung ano man ang nangyayari sa yo ngayon with your Gardo :-)

    We will all miss him.

    ReplyDelete
  2. mark asan ka na ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. sinukawa? andito lang ako maynila pagala gala=)

      Delete

reactions?