25 days na lang ang taning sa akin ni McCoi sa paninigarilyo ko.
For the past 13 years, smoking has been my constant companion. In sickness and in health. Tama, even in sickness kasa-kasama ko si Marlboro Lights. Minsan, naiisip ko na nakakatulong pa siya sa quick recovery ko from cough and colds. With it, it'd only take me a couple of days to bounce back and be in the pink of health again.
Sa tuwing gigising ako, sigarilyo ang unang hinahanap ng katawan ko. Ganun din sa pagtulog ko, yosi ang huling karamay ko. Mahal ko ang paninigarilyo, at feeling ko mahal din nya ako.
I could still remember the first time I tried smoking. Pinapakita sa TV ang pag-ubo ng mga first-time users. Naalala ko din na ganun din nangyari sa mga barkada ko the first time they tried it. It was never the case for me. Nahilo lang ako. Hindi naging hard sa akin si Marlboro.
Aaminin ko, Love-Hate ang relasyon namin. Makailang beses ko na siyang pinagpalit sa nicotine patches. Dalawang beses na kasi niyang muntik sunugin ang kuwarto ko. Pero dahil hindi ko nalalasahan at mahal si Nicotinell, bumabalik pa din ako kay Marlboro Lights. High maintenance ang kabit. Low maintenance ang orig.
Labintatlong taon. Sa hirap, sa sarap. Sa lungkot, sa ligaya. Yosi ang naging karamay ko. Whenever I'm stressed, I smoke. Whenever I'm excited, I smoke. Whenever I can, I smoke.
Smoking kills.
25 days na lang. Malapit na akong mamatay...
...At muling mabubuhay.
it's good for you. hope this works out well.
ReplyDeletenever really see anything positive about smoking.